Wednesday, February 22, 2006
+ Long time... +
Hello po! Ang TAGAL ko na palang hindi na-update ito. Haay... Wala kasi kaming internet last week. Busy din kami last week dahil intrams.
Yehey! Nakakatuwa = D Kami ang over-all champions! Yehey! Sige po hanggang dito na lang muna ako. Bye bye!
Betina posted @ 8:46 PM
_________________________________________________
Friday, February 10, 2006
+ Long ago... = D +

Hi to all! Ano ba yan... Di nanaman ako nakap-update kasi di ko mabuksan yung blog ko kagabi. Sorry ulit.
Nag-APSA test kami kahapon. Sa totoo lang, halos lahat hinulaan ko lang. Hehehe. Ayos lang yung English pero pagdating sa Math at Science wala na. May mga tanong doon na may kinalaman sa squareroot na hindi ko maintindihan. Haaay... Nung Club masaya kasi naglaro kami ng iba't-ibang laro tulad ng Cat and Mouse, Pic pac boom, at marami pa. Sumakit yung tiyan ko kakatawa. Hehehe = D Nagpractice ulit kami ng cheering hanggang 5:30.
Ngayon, ayos lang. Regular classes pa rin. Yung sa TLE namin, dapat gagawa kami ng banana catsup pero hindi namin nagawa kasi kulang yung ingredients at mga gamit.
Ang saya talaga kasi weekends nanaman. Yehey! Sa Monday puro practice na lang kaya walang assignment pero puro project naman kami. Haaay... Okay lang yun. Basta kakayanin namin yun. Hehehe. Sige po, byebye! GO TITANS! ^0^
Betina posted @ 5:33 PM
_________________________________________________
Monday, February 06, 2006
+ Very tired... +

Hello po! Hindi nanaman ako nakapag-update kagad kasi madami kaming pinuntahan nung weekends.
Nung Saturday, pumunta ako sa Dentist ko tapos pumunta kami sa Mapua para sunduin yung mga kuya ko. Hapon na nung nakauwi kami. Tapos, pagdating namin sa bahay, kailangan nanaman naming umalis kasi pupunta kami sa debut ni Ate Lian. Happy 18th birthday po, Ate Lian! Gabing-gabi na nung nakauwi kami. Haay...
Noong Sunday naman, pagkatapos namin magsimba, pumunta kami kay na Kuya Cyon kasi celebration ng birthday niya. Tapos, umalis kami papunta sa maraming mga store tapos pumunta kami sa Robinsons. Bumalik nanaman kami kay na Kuya Cyon. Gabi na kami nakauwi.
HAAAY... Nakakapagod talaga. Hindi ako nakapag-internet dahil dun. Pero ok lang yun kasi masaya naman ako = D. Ngayon naman, nagreview lang kami sa Math at Science para sa APSA test namin sa Thursday. Sige po, yun lang muna. Goodbye! ^0^
Betina posted @ 6:29 PM
_________________________________________________
Friday, February 03, 2006
+ Another birthday... = D +

Hi to all! Sorry po ulit kung hindi nanaman ako nakapag-update kasi madami akong ginagawa. Happy Birthday po kay Kuya Cyon! Birthday niya kasi ngayon = ) Patuloy pa rin ang practice namin sa Cheering. Nakakapagod pero kakayanin namin ito. Para naman ito sa aming lahat. Kung yung mga Cheer Dancers kaya nila, kaya din namin 'to. Malapit na nga pala yung APSA test namin. Sana may masagutan ako kasi sa tingin ko mahirap yun. Masaya ako ngayon kasi weekends nanaman. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon Monday pa lang. Haaay... Sige po, sa susunod ulit. Goodbye! ^0^
Betina posted @ 8:42 PM
_________________________________________________